Monday, August 16, 2010

BORACAY! FREESCAPADE! I want! I like! I will!

I'm excited!!!

I'm feeling I'll be back in Boracay the soonest possible time with SEA AIR , SEA AIR FACEBOOK

And fortunately... be staying at bonggang bonggang MICROTEL INNS and SUITES

I really have these great vibes! Come on Boracay! Come and get me... or else.. I'll come and get you! hahaha

Gusto ko ulit bumalik ng Isla ng Boracay.



Para...




Makipaglandian ulit with kapanatag friends. (Touching my nipples not included.) Maglakad pappuntang Kalibo ng... naka boyleg briefs.




Mag-intay ng bangka papuntang Kalibo ng... naka boyleg briefs pa rin. Habang pinagtitinginan ng mga locals.





Mag-Bitch volleball.
Nakipagpusatahan kasi kami last time... ng fruitshake. at sa awa naman ng dyos, nakauwi na kaming lahat sa Maynila, nabaon na lang sa limot ang pangarap naming fruitshake


Read: What happens in Boracay Stays in Boracay. ...And in Facebook:) and Blog:)

Bumili ng sangkaterbang 2 for P150 na tshirt. Na pwede din palang mabili sa may quiapo at dibisorya kung gusto mong magpanggap na galing Boracay. pero bakit pa.. e anjan naman ang SEA AIR , SEA AIR FACEBOOK para dalhin ka sa Boracay anytime? Sus!



Para ma-try ko naman yung underwater na may helmet na pwedeng magpa-video at pichur pichur. Chipangga kasi yung version ko. Basta makasisid lang at makapagpapicture. Ayoko ng pichur na yan. mukha akong sisiw sa loob ng balot.



Maglakad muli sa kawayan. This time.. Magpapabayad na ako.



Maging emo sa eroplano, lulan ng SEA AIR , SEA AIR FACEBOOK, habang tinitingnan ang Luzon. Hindi ko kasi nakita bubong namin last time e. So kailangan ko talaga bumalik.

Saka nung pauwi na kami, nasira yung gulong ng eroplano namin, kaya hindi kami binaba sa airport mismo. Kinailangan pa kaming mega sunduin ng bus. Grrr.. 2 hours din ata kaming ihing ihi sa ginaw sa loob ng eroplano. Maswerte na kami...kasi yung iba.. binaba sa Clark. hihihi.. Pagkakamali lang namin... di kami nag-SEA AIR , SEA AIR FACEBOOK nun.

Ang bumawi.
kailangan kong patunayang hindi ako nasesenglot kapag umiinom! Kailangan kong bawiin ang nawala kong reputasyon at dignidad sa inuman!!!


Tahhmuuuh!!



Ang mag eksperimento ulit sa mga bakal. This time, magpapabayad na talaga ako.



nakalimutan kong tumulay as bakal na yan. Kailangan ko talaga bumalik!!
gusto ko sa tapat ng MICROTEL INNS and SUITES.



Sumakay ulit sa Bangka! at mag emote habang kumakanta ng everynight in my dreams... I see you.. I feel you...


"Jhaaackhh! theressshhh a bhhhooatthh... Jhaaakkkhhh! WUhssss wuhsssh *sipol sipol* *ngatog*"



Mag-model model sa balsa. habang kabadong baka tumaob.


Hindi ko naperfect ang split at touch toe ko sa ere... Kailangan kong buhayin ang reputasyon ko. Sayang ang talon na to. Dapat ulitin!! gusto ko pagtalon ko, maaabot ko yung dadaang SEA AIR , SEA AIR FACEBOOK sa ere. haha



Ang bumili ng bayong bayong na pasalubong sa tindahan ng pasalubongan sa tabi ng airport. 3 for P100 ang mga kakanin kaya bongga na. May Free bayong ka pa. YUng suman nila.. maraming flavors, at 20pcs for P100 din. MAy free bayong pa.

Kinulang ako sa bayong e. kaya Need-a blanka ko talaga bumalik.


Ang magpa-tan ng negrang negra.

Partida ha. mega babad na ako sa ultra Violente rays, walang epektong matindi tindi.

Siguro kasi parang espasol buhangin sa boracay.

Parang Di ko feel ang pose ko dito e... parang gusto kong ulitin..

Pero... kung magsi-SEA AIR , SEA AIR FACEBOOK naman ako... hindi na kami dadaan dito sa Kalibo airport.

may ganito din ba sa Caticlan???

Makipagharutan. habang papunta sa hotel naming sa Residencia Boracay. Pero gustong gusto kong ma-try sa MICROTEL INNS and SUITES As in mga pare.


Hindi perfect ang headstand ko dito. Kailangan ko ng second take. hindi ako makakapayag.


Sana sa susunod na punta ko dito.. hindi na ako hahabulin ng mga gulay dagat na yan. Para pag ahon ko naman hindi na ako si poison ivy o si Shrek.


Gusto ko yatang ulitin to. Dun sa tapat ng nagpo-poy dance naman. hahah

Ayoko na ng mga ganitong picture. Gusto ko dun naman sa may buhangin na may nakalagay "BORACAY 2010" Juice ko ha. Sa konti ng pichurs ko wala pa akong photo op dun. tsk tsk

Ang baba masyado... saka hindi 180 degrees yung legs. Ulitin! Ulitin! Ulitin!


Maghanap ng kakilala sa wall ng Cocomangas. hahaha..

Ito yung wall kung saan naka-ukit yung mga names ng mga nakatapos nung "__(insert number here) shots" dun sa Cocomangas bar.

Last time.. nahanap namin yung ex nung gf ko. Binalak na namin tanggalin yung pangalan. kaso nakakahiwa yung yero. hahaha

kailangan pag bumalik ako... hindi na obvious ang skeletal system ko. Baka ibenta kasi tong mga picture sa mga Medtech students at pag aralan nila. Tibia, Fibula, Rib cage, carpals, tarsals, patella, skull, floating ribs. hahaha


Growing up with the Olympic energy! Growing up with MilO!!! Milo Everyday!

pag bumalik ako.....

.... hindi na ata ako magki-cliff dive. hindi na ata kaya ng powers ko pala. haha gusto ko pang mabuhay ng matiwasay at walang kaba.

Isa lang picture ko sa cave e... sana dalawa man lang. kaya babalik ako.



Gusto kong magpakabusog ulit at magpadagdag timbang sa buffet meals!!!

Baka mag exceed nga lang ang check in baggage ng tyan ko. mahirap na. Buti na lang... SEA AIR , SEA AIR FACEBOOK ay sasakyan ko. hhehehe



Ang muling kantahin ang awit ni Katy Perry. (wag sana itong makita ng mga kamag anak ko)
*cross fingers ng bonggang bongga*

At sana.. pati ito... hindi nila makita.
...Sa susunod... red naman susuot ko:) Rubi?

Mang maging cheesy, at magpaka-sweet, at mainlove.


BORACAY IS LOVE. LOVE. LOVE.
Nagpapasalamat ako sa bumubuo ng Couchsurfing Manila, kay Lynn Labios na nagpatira sa amin sa kanyang resort sa Boracay (not Bora) at sa mga litratong ninenok ko sa fb kahit na naka-tag naman na ako: Karen Valdez, Catherin Iblan, Simon Cervantes, Joy Eusebio, Jester Moyano. Mahal ko kayong lahat.
Nagpapasalamat na din ako sa SEA AIR , SEA AIR FACEBOOK at sa MICROTEL INNS and SUITES in advance. chos!

5 comments:

  1. KALOKAH KA TEH! Sabi ko na nga ba kilala ko 'toh bwahahahaha

    Sasali din ako pero i bet pasok ka na sa grand eight! YESSSSSS!

    ReplyDelete
  2. haha kakatapos ko lang basahin! I love it! Astig to the coolness ang blog mo! Congrats! Ikaw na ang winner! Haha pasalubong na suman ha!

    ReplyDelete
  3. @Mica: bwahahaha! Hindi mo'ko kilala Mica. Judgmental ka. haha.. Nagbabalik loob na ako sa pagba-blog. Dali i-lalike ko yung entry mo. pag nakita ko.

    @Karin: ahaha! andaming random pictures. Kung anu ano na lang. pressured nako kasi Aug20 na ang deadline. ahhaha

    ReplyDelete
  4. Nice one Rand! Good Luck!

    Pasalubong ng Suman hehehe ung brown! =P

    ReplyDelete
  5. sea-moan!
    hehe.. isa ka sa mga papasalubungan ko. haha.. salamat sa pagpichur.

    (feeling napili na)

    ReplyDelete