Ibentologist: event-eventan, the jologs way
Kung anik-anik na events na dinaluhan ng isang gakang AE. -product launching -concert -presscon -media briefing -bikini contest -celebrity endorsement -kasal -binyag -debut -burol -lamay -xmas party -birthday party -bar tour -monthsary -anniversary -kung hei fat choy -lahat nga e. Think of Events... and for sure... i will come...late.
Sunday, September 5, 2010
Friday, September 3, 2010
Missing myself
When will you be coming back? I lost you since forever. I can't even remember.
I want my sanity back.
I want my old self back. The one that used to laugh on simple things...mature stuff.
Talk without taboo.
Walk without map.
Go out without time.
Live without limits.
Where art thou. I miss you.
I want to sleep again in a big big bed full of pillows and dreams. As fantasy awakens me, imagination lets me doze again to a special place I always wanted to conquer
I miss dreaming. For myself.
Sorry. I forgot myself for a long time.
I want you back. Please. I need you right now.
It's sad that I'm now looking for you when everything else is failing.
I want you back.
The hyper psychedelic red loving person who knows no boundaries.
Talks to his self in public.
Does beyond normal.
Dance til nobody's alive.
How did I lose you?
Already forgot how, where, when, and why. of all people. why you...
Maybe my hunger for other indiviual's caring and passion drove you to death.
But now that that passion has already gone perishing, how can I revive you.
I still want that passion, but he doesn't love me anymore. But you.. you love me. You love me more than anyone else right?
Talk to me!!! now!! in English, tagalong, barok, beckymon, jejemon, conyotic, anything...I will try to understand. I know you for so long. I can understand...you know me.
I just miss being happy.
I forgot how it feels.
I'm afraid I won't be able to feel it again.
Do I deserve it? Everybody does.
After all the drama ang shit I've done. No, I don't deserve it.
But not for long.
Let me suffer.
Let me die.
Let me perish.
Today.
and tomorrow, let me be reincarnated and fly on the alps, where I used to wander.
Missing caring.
Missing love.
Missing true passion.
Who can share these to me? It's all gone now. Nobody seems to care. to love.
I still love you. And I know it's true, with my tears as witness to my heart's credibility. You know when I cry..it's of truth. And today...I'm weeping. and I miss you.
Sorry. I'll miss my passion. But I miss myself more.
I just realized... my true passion is myself. And from the moment that all else fail, I can't be with anyone else... except for me.
Thursday, September 2, 2010
I write then I'm right
Nakaka-pressure kasi minsan ang magsulat. Parang hindi tunong ComArts grad noh? hahaha.
College pa lang ako... sa Creative Writing class ko kay Ms. Layeta Bucoy, kinakitaan na ako ng excemptional na galing sa.. katamaran.
Kailangan kasi... ok rephrase: Requirement kasi na mag blog kami every week ata yun or every day... syempre.. ginawa ko naman.
Kinalkal ko mga lumang blogs ko sa friendster at isa isang nilapat sa blog ko sa multiply (kung saan yun chinecheck ang mga blogs)
Minsan... once a week lang din ako mag-update, tapos maglalagay na lang ako ng tatlong entries... parang wholesale. hindi tingi tingi.
Pero.. don't get me wrong.. masayang mag-blog. Nasisiyahan ako pag nagsusulat.
May mga klase din ako nung college na napuri mga sinulat ko. May mga instance pa na nabigyan ako ng libro ng prof ko dahil sa kagalingan ko in a major major way. Pero feeling ko nasipagan lang siya sakin kasi madami akong sinubmit na short stories na ginawa ko noon.
Nabigyan ako dati ni Sir Dennis Aguinaldo ng Pugad Baboy na komiks dahil sa isang alamat na sinulat ko. Alamat ng Freedom Park ata yun. Hindi yun ang first prize, (muntik ko ng masungkit actually e, kung hindi lang umepal yung "Alamat ng Kape sa Los Banos" na mas weird ang kwento kesa sa akin)
After a year ata or two, naging Prof ko ulit si Dennis Aguinaldo, nanalo na naman ako sa kanya ng libro. namigya kasi siya ng books niya na mga luma at muntik ng bahain nung panahon ng milenyo sa kanyang library.. este bahay.
Kung hindi pa naman ako ang maging "best in review" nun. nagpasa ako ng apat na reviews ko ng short story, pero isa lang naman talaga ang pinapagawa niya. ahahaha. oo dinadaan ko din sa paramihan.
Nung binabanggit na yung grading, student number lang ang sinasabi tapos yung total grade... tapos na niya banggitin lahat... sinara na niya yung parang logbook ng mga teacher, pero parang di ko narinig yung student number ko??
Kaya nagparinig ako: " Shet parang di ko narinig yung akin."
Nakaramdam naman yung prof ko..infernes.. kaya mega ulit ulitan siya ng pagsabi ng grade ko:
04-01673...200++ eklabu cheverlanever.. (syempre hindi ganyan ang pagkakasabi niya. Nakalimutan ko na kasi yung saktong grade.. basta mataas, na ikinagulat ng mga kaklase ko kung sino ang henyong nag mamay ari ng gradong lagpas pa na sa orihinal na grading system. wala naman sa mukha ko ang magkakaron ng ganung grade kaya kebs na nila sakin
Nung unang sabak ko naman nung college, may sinalihan akong contest na gagawa ng tula para sa Student Office eklabu...
kahit na pag binabalikan ko yung sinulat ko noon.. at nakokornihan ako pag binabasa ko ngayon ( at ni hindi ko na nga ata alam o tanda kung sansan cosmetics ko inilagay yung softcopy at hardcopy ko nun), nanalo ng first prize at isang medalyon ang pyesang iyon.
..itutuloy
Tuesday, August 17, 2010
Drugs? Yes... I buy at Mercury Drugs.
Kabugin ang mga Geometry at Algebra lessons niyo.
Apir! Lovet!
Monday, August 16, 2010
BORACAY! FREESCAPADE! I want! I like! I will!
I'm feeling I'll be back in Boracay the soonest possible time with SEA AIR , SEA AIR FACEBOOK
And fortunately... be staying at bonggang bonggang MICROTEL INNS and SUITES
I really have these great vibes! Come on Boracay! Come and get me... or else.. I'll come and get you! hahaha
Gusto ko ulit bumalik ng Isla ng Boracay.
Para...
Makipaglandian ulit with kapanatag friends. (Touching my nipples not included.) Maglakad pappuntang Kalibo ng... naka boyleg briefs.
kailangan kong patunayang hindi ako nasesenglot kapag umiinom! Kailangan kong bawiin ang nawala kong reputasyon at dignidad sa inuman!!!
gusto ko sa tapat ng MICROTEL INNS and SUITES.
Parang gusto ko din magkape sa lente ng camera
Haha.. after kong makita ang mga pics na ito... aba, parang gusto kong malaman ang feeling ng humigop ng kape sa lens ng cam... Canon specifically.
Friday, August 13, 2010
Romulo's Cafe - Nakatapak na din ako sa wakas.
Nang matapos na... nyek. Hindi pala bahay kundi isang bonggang bonggang restaurant pala ang tinayo.
Kaya pala may nakasabit na Romulo's. kala ko trip trip lang ng may ari.
Pag lumalabas ako ng office, sinusulyap sulyapan ko yung loob ng Romulo's. Ang angas talaga ng loob. Honggondoh!!
Ganito pa nga ang usapan namin ng shopismet ko:
Officemate: Uy! traffic dun sa labas. Kita mo?
Me: san?
Officemate: Sa labas natin. may shooting ata! hahaha.. tara!
Me: Sinong shinu-shoot? may basketball court na ba jan?
Officemate: shunga. May shooting ata yung "Us Girls" nakita ko kasi sina Angel at Iya.
Me: Nasan si Cheska?
Officemate: Anubah! Ito kaharap mo.
Me: ...san banta teh?
Officemate: ewan kung nasan.
Me: nung isang araw diba kinawayan ko si Tito Geny (Lopez) jan sa labas.
Officemate: weh??
Me: Truelagen! May kasama siyang babaeng bagets.
Officemate: ang zoshaallin talaga jan sa kabila noh? Kaya tara na kina Karen at bumili na tayo ng lutong ulam
Me: Sige order na lang tayo kay Mang Ed. para di na tayo lumabas.
Officemate: kelan kaya tayo makakakain jan noh?
Me: So nagpaparinig ka na niyan. O dali panik ka sa taas. sabihin mo kay Sir dun tayo magmeeting. dali! tapos order tayo ng marami. hahah
Officemate: wag na baka ikaltas pa sakin.
Meaning...sosyal talaga.
Pag pasok mo, black and white lahat.. at oo. pati mga naka-sabit na pictures b&w.
pati mga waiter. (na walang pogi)
pati table. pati bintana, pati sahig.
para kang pumasok sa black and white na mubi. Itim at puti lang talaga. Kala ko nga pati mukha ng mga waiter b&w din.
Buti naman... habang iniintay namin ang aming pagkain... nagdasal ako. Na sana.. yung ihahain sa amnin ay may kulay. In-expect ko na din kasi na black and white yung kulay ng sinigang.
pero it turned out... hindi naman pala.
yehey na rin. Siya si Ms. Rose at si Ms. Rosebel.
Nilibre nila kami ni Je kasi birthday ko daw nung isang isang isang linggo. Awww.. tats naman ako. first time kong makapasok sa loob ng Romulo's
natupad na isa kong pangarap.
Libre pa. Award. Ang sayang Bday gip.
Kaya salamat sa mga lola mo. Gow!
Ito ang mga in-order namin. I mean... nila.
May isang malaking mangkok yan. Sinalin lang jan.
SINIGANG NA SALMON - nakalimutan ko yung presyo. hindi naman ako ang um-order e.
gaya ng mga sosyal sosyalan na napapanood ko sa pelikula, hinigop higop ko yung sabaw gamit ang kutsara. at... shet... Ang... S.A.R.A.P.
Hindi ako mahilig sa isda, pero ang sarap nung salmon. wagi. Kakaiba yung lasa nung sabaw. parang ulam sa sarap pag sinabaw mo sa kanin. basta.
Ito naman ang..
CRABLETS
first-time kong makatikin nito sa "Top Grill" sa Makati. Pero parang ang rungis nung texture sa dila (uuy ang arte ko) saka may natitira-tirang shell sa bibig. Kaya medyo hesitant akong kainin to.
But no! Mega dip lang ako sa suka, at boom. shet. Sarap again! Muntik na kaming mapa-order ng beer sa tanghaling tapat.
At ito na.. ang
CRISPY PATA.
Medyo matagal na siyang naka hain, pero hindi nawawala yung lutong niya.
Ang sarap pa nung sarsa niya sa ibabaw. Malutong..tapos malabot. Parang naging chicharon yung balat. Wagi din yung mga talong sa tabi.
Kaya naman.. Belated happy Bday talaga sa akin:)
Sorry, wala akong makwentong inumin kasi nag-tubig lang ako.
Kagagaling ko lang kasi sa sakit, ang feeling ko, hindi dapat ako uminom ng ibang liquid dahil number 1- dehydrated ako. number 2-umiinom ako ng gamot. At number 3- libre ang tubig. wala akong pera. akala ko kasi ako mag magbabayad. hahaha
All in all, naka-P1,480+ lang yata kami. Ewan ko kung mura na yun. apat kaming lumafang
RATE! 1-10 (10-highest)
FOOD - 8 (keri lang ang food. masarap.)
SERVICE - 8 (walang artistahin)
AMBIANCE - 9 (honggondooh!)
PRICE - 7 (mejo nakakabutas ng bulsa)
nakakatuwa nga pala yung waiter. Kasi hindi namin naubos yung ibang ulam. Kasi marami yung servings. Yung Crablets mejo may karamihan pa. So sabi namin ipabalot na lang. Sabi ba naman nung waiter:
Waiter: Hindi niyo po yata nagustuhan yung "crablet." Hindi niyo po kasi naubos.
..Angkonti lang kaya kuya. kaya nga crablet lang?chos.
Hihihi:D
Gora na dun!!
Address: 33 SCOUT TUAZON CORNER DR. LAZCANO STREETS Quezon City
Phone: +63(2)3327275 (Magpa-reserve pag maramihan)
Meron din silang mga function rooms kung bet niyo dun mag meeting-meetingan o mag pa-party, prescon, etc.
Ngayon ko lang din nalaman, may iba ibang rooms pala sa loob na ang soshala talaga! iba iba ang kulay.. may Brown room, may Yellow room, Green, I wonder kung may Ecru, Vermillion, o magenta?
Directions: Along Tomas Morato Ave, you'll see Alfredo's Steak House, just infront of Starbucks (Tomas Morato Branch). That street is Scout Dr. Lazcano (don't confuse it with Scout Lozano). Turn your wheels on the Alfredo's side of street and before you hit the other street which is Scout Tuazon, you'll see the B&W Romulo's Cafe... Na katabi lang ng opisina namin. hahaha.. so pag nakapunta ka na dun, malamang sa alamang e... pwede mo na ako i-doorbell sa kabila. Yun ay kung... andun ako.
Payo: wag kayong magsusuot ng Black and white. or magpapaparty na b&w ang theme. or else... you belong. Baka masanggi sanggi ka ng mga tao. Hindi ka nila makita.
salamat pala http://www.manilareviews.com/ sa mga pictures na chinurba ko lang bigla bigla.
Metropad
Sila ang kauna-unahang magazine dito sa Pinas na merong downloadable readable version sa IPAD!
Pang Shala talaga.
Mga concerns ko lang...
- Hindi kaya humina naman ang circulation nila, or ang print sales nila if sa IPAD na lang sila babasahin?
- May bayad ba ang pagdownload sa Metro using IPAD?
- If may bayad, pareho lang ba ng cost nung printed version? (baka mas mura kasi hindi na ipapa-publish. haha. pagka-layout ng mga lola mo, eh wala ng imprenta imprenta, upload upload na lang)
- Paano ang advertising revenue nila dito? E pito lang ata ang may IPAD sa pinas. nasira pa yung sa dalawa kasi beta lang. hahaha
Ang maganda sa Ipad version nito, may mga behind the scenes eklabu ito na higit pa sa pictures ay may mga videos pa. So parang Metro TV ang labas niya. Magazine TV. And yung mga In-mag contest and promos, mas magkakaroon ng creative executions na bagay sa mga apps ng Ipad.
Mas bobonnga ang advertising mileage ng mga advertisers. Yun nga lang.. sino lang ba may Ipad. makabili nga bukas para market na din ako ng Metro. haha
Ito ang makikita niyo sa cover ng August issue ng Metro.
Oh diba.. akalain mong... nasa pwetan ng magazine nakatiklop at hindi hinahayaang makita ng publiko ang ganda nina Carmen Soo, Erich Gonzales, Maja Salvador, Maricar Reyes, Shaina Magdayao, at si Many More.
Among them, bet ko yung itsura ni Maja dito.. napaka-serene.. akala mo dalisay. Pasok na pasok yan.
Sige tingan mo silang lahat. parang catalogue ng mga bestidang RTW sa SM.
yan din kaya ang metaphor ng karir nila sa ABSCBN.. mga nasa gilid lamang ng apat na bida natin sa harapan... mga sasabit at su-support na lang pag tumanggi yung isa sa role, nasagasaan, nabuntis, o nagkaron ng sex video? Ay sheet.. wag naman sana..
Teka... nasan pala dito si Denise Laurel?? papapirmahin niyo ng exclusive contract tapos ibebenta niyo sa "Midnight Phantom" na biglang susundan ng "Kristine," na nasa primetime pa, tapos wala dito?? Infur.. wala din naman si Cristine Reyes at si ateng Agua Bensita niyong si Andi Eigenman. Kaya keri na.. wag na maghinampo at mag inart.
Balik tayo sa online downloadable version ng METRO... bago ko pala maexperience yun.. bibili muna ako ng Ipad. haha.. ay sige, bibili muna na lang pala ako ng tig iisandaang piso per kopya ng magasin. napaka-long term ng dream na Ipad e..
nang ma-Endo ang Rubi
favorite sagutan ko pa rin nung namimili sila ng kabaong for Aling Rosana:
Kaye Abad: Rubi, kung buhay ang nanay, hindi siya matutuwa na mamahalin ang bibilhin mong kabaong sa kanya
Rubi: Ate, kung buhay ang nanay, hindi sana tayo namimili ng kabaong ngayon.
at eto pa, yung sagutan nila ni Henaro-- tatay ni Diet. haha..laftrip talaga!
Henaro: Hindi ka pa rin tumitigil sa pagkukunwari mo. Isa kang taksil!
Rubi: *after gulat facial expression* Naku. *gulat* nahiya naman ako sa inyo Papa. Kayo nga pala ay isang ulirang ama.
Ok naman ang ending... bumalik pa rin sa mga ugaling Pilipino na kailangan may moral values ang mga kwento, pati ang telenovela.
na-carmi martin si Rubi, naputol ang paa, nawalan ng jowa, nabokya ang mukha at wala din pera... pero masaya. Yun na nga ata ang pinakatinuro sa huling parte ng kwento... na walang pakialam si Papa God kung may pera ka, maganda ka, at mataas, and importanteyshus ay maayos kang makitungo at..MASAYA ka sa ginagawa mo. At ang kasiyahan ay hindi nanggagaling sa pansariling kagustuhan, nanggagaling din ito sa mga factor sa labas ng iyong sarili... mula sa mga kaibigan, pamilya, trabaho, at jowa.
Sayang..biglang naging idol pa naman ng masang malalandi si Rubi, kasi palaban, at napaka-totoo ng mga sinasabi at pinaninindigan. gow na gow ito. kaya lang..nung huli, sinapian ng cliche. pero keri na din.
Ibang iba ang kwento dun sa Mehikanang Rubi...
kasi ang ending nung sa mehikana... nagkaanak si Rubi, at yung junakis naman niya ang medyo parang kinakitaan ng future sa pagmamaldita.
Nakalimutan ko na din kung sino dito sa picture si Hector at sino si Alejandro.. Pero parang mas promising yung kulay mais yung herr. Yung isa kasi parang pumapasada ng tricycle.
Hindi ko naman masyadong kinwento lahat noh? hahaha.. yaan mo na tapos na naman e. hehe Kung di ka pa nakapanood...at least alam mo na ending.
Mamimiss ko din sa lahat...ay... si Juris... na pumapasok ang hininga kada may madadramang tagpo.
sapul na sapul pa ng lyrics nito yung kwento. at ang target talaga e paiyakin ka.
Dhi lhang..ihhkhaaw.. dhii lhaang ihhkawhh hanghh nhahihiraphan...
Ayhossh bhaaah?
Enjoy!
Sa wakas.. sana makatulog na ako ng maaga. . .
Linggo ng Pashyon Pashyon ng Pinoy 2010
Kailangan pa naming rumampa ni Je sa Makati bago kami maka-attend sa grandyosong Philippine Fashion Week.
Muntik pang maunsyami dahil bigla akong dinaanan ng boss ko dun sa isang building dahil may kailangan siya sa aking papeles. Nananadya ka ata e. Saktong sakto pare e.
Pero nalagpasan ko ang mga pag subok. hahaha at nang mag alas singko na.. yey! kailangan ko na lang intayin si POW para daanan kami at wuzooom!!! PFW, Here we come!
...may nadaanan pa kaming kaibigan. Hahaha.. ang Indian na si Banna. Hindi po siya indianero. sadyang Indian talaga siya. Magkalahi kami. Ako nga lang e half Indian, Half mango.
Matapos ang mala-isang oras na drive namin papuntang SMX Convention Center... nakarating na din kami. Nga pala, dahil wala naman akong kapangyarihan ni sailor moon na pwedeng mag-moon crystal power make up! ay pwede nang magpalit ng damit... sa kotse na ako nag change costume. at eto na kami sa CR nagreretats.
at hindi namin ni Pow pinalagpas ang wall. Hawak pa ata namin ang ticket. yey!
habang bored kami sa tagal mag ready get set gow ng rampahan... pichur pichuran muna. Actually si Happy Andrada lang naman talaga ang iniintay namin. at hindi naman niya kami binigo. Benggang bengga nga naman ang jetsetter epek ng kanyang koleksyon. Puro mga kambal ni Amelia Earhart ang napanood ko. wagi.
at matapos ang show... kami naman..
Exhibit A: sapatos na hinuling isuot ang medyas. Kalaboso.
Paglabas namin..saka naman namit na-meet and greet moment si Jonnette--ang friend ni Pow, at friend din nung sister ni Happy Andrada, kaya kami nagkaroon ng libreng ticket. gets? Kasama si Pow, Jonnette, at yung kapatid ni Happy (nakalimutan ko name. pasensya na mga kapanatag) dun sa reality dating show ng syete na "Take Me Out." Kaya sila dun nagkita kita. Naloka lang ako Kay mareng Jonnette natin dahil sadyang tapos na ang show nang mag-show sya sa amin. haha.. at ang sabi nia teh, "Dali picturean na tayo. Yun naman ang mahalaga eh. Yun may picture (ako) para kahit di umabot, sabihin pumunta ako."
Ok. Like it.
At kasama ni mareng Jonnette, si Mareng Mel na literal na kayhaba-haba ng herr. naka Lady gaga inspired din si Ate mo at pang-pashyonweyk talaga. Yun nga lang, no hindi nila naitapak sa entrada ng rampahan yung mga Parisian shoes nila. Kaya..kumain na lang kami sa UCC cafe kung saan uso ang nalilipasan ng gutom.
...at natapos na... ang PFW.