Mabuhay!
Matagal ko na ito pinag isipan.
Infurr.. may isip daw ako.
haha
Go na ako.
Sige na.
Bubuhayin ko na muli ang aking pagba-blog ng kung anik-anik.
Hindi ko kasi maisip... sa dami ng ginawa kong blogsite dati... na eventually hindi ko na din matandaan ang mga password, hindi ko alam kung sino dun ang totoohanin ko at pag uukulan ko ng pansin. Gumawa pa nga ata ako ng porn blogsite. hahaha. ang mature.
Pag nag-blog kasi ang isang tao, pwedeng pinapapasok niya ang mga ibang nilalang (shet parang scary naman yung term na nilalang) sa kanyang buhay... o sabihin na nating, buhay na kanyang nililikha gamit ang keyboard keys at monitor. Sa pagpasok ng ibang tao sa kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtingin sa kanyang pahina sa internet, pwedeng malimitahan ang katotohanan (sa sarili) at ang kalantaran ng mga bagay bagay. Unless hindi magpakilala ang awtor diba.
Pwede namang gumawa ng isang blog na parang karenderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.. at pwede din nam yung sikret sikretan lang para dun sa mga issues sa buhay mo na ayaw mo muna ilantad at in due time e saka mo na bubuksan ang diary ni Mara Clara.
Kaya lang mga pare, effort masyado. haha.
So ito. Ito na lang napili ko. Since mahilig naman ako maglalabas at magpapaparty at magpupunta sa kahit saan, bongga na to.
Hindi lang events ang makikita at mababasa dito. Pati events ng utak ko at events ng pagkatao ko kung anuman ang naiisip at nararamdaman kong like kong i-share.
Enjoy mga kapanatag. Alam niyo naman ang food Pyramid. very strong.
-ibentologist
No comments:
Post a Comment