Friday, August 13, 2010

Linggo ng Pashyon Pashyon ng Pinoy 2010

Isang hagardo versozang client-visit day actually itong araw na ito.
Kailangan pa naming rumampa ni Je sa Makati bago kami maka-attend sa grandyosong Philippine Fashion Week.

Muntik pang maunsyami dahil bigla akong dinaanan ng boss ko dun sa isang building dahil may kailangan siya sa aking papeles. Nananadya ka ata e. Saktong sakto pare e.

Pero nalagpasan ko ang mga pag subok. hahaha at nang mag alas singko na.. yey! kailangan ko na lang intayin si POW para daanan kami at wuzooom!!! PFW, Here we come!

...may nadaanan pa kaming kaibigan. Hahaha.. ang Indian na si Banna. Hindi po siya indianero. sadyang Indian talaga siya. Magkalahi kami. Ako nga lang e half Indian, Half mango.







Matapos ang mala-isang oras na drive namin papuntang SMX Convention Center... nakarating na din kami. Nga pala, dahil wala naman akong kapangyarihan ni sailor moon na pwedeng mag-moon crystal power make up! ay pwede nang magpalit ng damit... sa kotse na ako nag change costume. at eto na kami sa CR nagreretats.

at hindi namin ni Pow pinalagpas ang wall. Hawak pa ata namin ang ticket. yey!


habang bored kami sa tagal mag ready get set gow ng rampahan... pichur pichuran muna. Actually si Happy Andrada lang naman talaga ang iniintay namin. at hindi naman niya kami binigo. Benggang bengga nga naman ang jetsetter epek ng kanyang koleksyon. Puro mga kambal ni Amelia Earhart ang napanood ko. wagi.

at matapos ang show... kami naman..

Naglipana nga rin pala ang sandamukal na pasyon-pasyon na mga beckymon. Hindi ko alam kung paano sila nagkaroon ng ticket pero basta nakapasok ang mga hitad. Ito ang sample ng kanilang outfit.

Exhibit A: sapatos na hinuling isuot ang medyas. Kalaboso.


Paglabas namin..saka naman namit na-meet and greet moment si Jonnette--ang friend ni Pow, at friend din nung sister ni Happy Andrada, kaya kami nagkaroon ng libreng ticket. gets? Kasama si Pow, Jonnette, at yung kapatid ni Happy (nakalimutan ko name. pasensya na mga kapanatag) dun sa reality dating show ng syete na "Take Me Out." Kaya sila dun nagkita kita. Naloka lang ako Kay mareng Jonnette natin dahil sadyang tapos na ang show nang mag-show sya sa amin. haha.. at ang sabi nia teh, "Dali picturean na tayo. Yun naman ang mahalaga eh. Yun may picture (ako) para kahit di umabot, sabihin pumunta ako."
Ok. Like it.

At kasama ni mareng Jonnette, si Mareng Mel na literal na kayhaba-haba ng herr. naka Lady gaga inspired din si Ate mo at pang-pashyonweyk talaga. Yun nga lang, no hindi nila naitapak sa entrada ng rampahan yung mga Parisian shoes nila. Kaya..kumain na lang kami sa UCC cafe kung saan uso ang nalilipasan ng gutom.

Mga 1-2hrs pala sineserve ang pagkain dito. sana man lang may abiso.
nawala na yung kagutuman ko kaya Milk shake na lang ata yung inorder ko. Pero isa pang factor eh, pang Shala ang menu.. parang hindi pasok sa banga ang budget. Kaya tipid tipiran sa pag order.. masabing naka-0rder lang.
Huli na ang lahat ng malaman kong....
libre pala ng kapatid ni Happy ang mga nilapang namin dahil...Bday niya pala. ahaha
binigyan niya din kami isa-isa ng mala-medyas na cellphone ---(ok lagayan ng cellphone). Sorry walang picture.

nang pauwi na kami.. nakita ko ang friend ko sa isa sa mga media agencies sa Makati, OMD.. Siya si Steph:) hi Steph. hahaa.. napaghalataang hindi tayo handa sa picture-ang ito.


...at natapos na... ang PFW.
pero hindi ang gabi ko..dahil may iba pa kaming pinuntahan... hihihi:))
more more more....

No comments:

Post a Comment