Friday, August 13, 2010

Romulo's Cafe - Nakatapak na din ako sa wakas.

Hindi ko na matandaan kung last year nga lang ba nung biglang may tinayong bonggang bonggang bahay sa tabi ng opisina namin. Actually, series of apartments yung nasa hanay ng office namin (including na din ang jopisina namin). Alam mo naman sa Scout area, pang-shala ang mga bahay. So merong nirerenovate na bahay sa tabi namin. Ganda ng interiors! Pinapasok pa lang yung mga gamit mula sa labas at sa service na mga sasakyan, minamatyagan ko na. Parang mga lumabas sa magazine ng HOME ang mga furnitures. Pasok sa Urban Zone.

Nang matapos na... nyek. Hindi pala bahay kundi isang bonggang bonggang restaurant pala ang tinayo.

Kaya pala may nakasabit na Romulo's. kala ko trip trip lang ng may ari.

Pag lumalabas ako ng office, sinusulyap sulyapan ko yung loob ng Romulo's. Ang angas talaga ng loob. Honggondoh!!

Ganito pa nga ang usapan namin ng shopismet ko:


Officemate: Uy! traffic dun sa labas. Kita mo?

Me: san?

Officemate: Sa labas natin. may shooting ata! hahaha.. tara!

Me: Sinong shinu-shoot? may basketball court na ba jan?

Officemate: shunga. May shooting ata yung "Us Girls" nakita ko kasi sina Angel at Iya.

Me: Nasan si Cheska?

Officemate: Anubah! Ito kaharap mo.

Me: ...san banta teh?

Officemate: ewan kung nasan.

Me: nung isang araw diba kinawayan ko si Tito Geny (Lopez) jan sa labas.

Officemate: weh??

Me: Truelagen! May kasama siyang babaeng bagets.

Officemate: ang zoshaallin talaga jan sa kabila noh? Kaya tara na kina Karen at bumili na tayo ng lutong ulam

Me: Sige order na lang tayo kay Mang Ed. para di na tayo lumabas.

Officemate: kelan kaya tayo makakakain jan noh?

Me: So nagpaparinig ka na niyan. O dali panik ka sa taas. sabihin mo kay Sir dun tayo magmeeting. dali! tapos order tayo ng marami. hahah

Officemate: wag na baka ikaltas pa sakin.

Meaning...sosyal talaga.

Pag pasok mo, black and white lahat.. at oo. pati mga naka-sabit na pictures b&w.

pati mga waiter. (na walang pogi)

pati table. pati bintana, pati sahig.

para kang pumasok sa black and white na mubi. Itim at puti lang talaga. Kala ko nga pati mukha ng mga waiter b&w din.


Buti naman... habang iniintay namin ang aming pagkain... nagdasal ako. Na sana.. yung ihahain sa amnin ay may kulay. In-expect ko na din kasi na black and white yung kulay ng sinigang.

pero it turned out... hindi naman pala.

yehey na rin. Siya si Ms. Rose at si Ms. Rosebel.
Nilibre nila kami ni Je kasi birthday ko daw nung isang isang isang linggo. Awww.. tats naman ako. first time kong makapasok sa loob ng Romulo's

natupad na isa kong pangarap.

Libre pa. Award. Ang sayang Bday gip.

Kaya salamat sa mga lola mo. Gow!

Ito ang mga in-order namin. I mean... nila.

May isang malaking mangkok yan. Sinalin lang jan.
SINIGANG NA SALMON - nakalimutan ko yung presyo. hindi naman ako ang um-order e.
gaya ng mga sosyal sosyalan na napapanood ko sa pelikula, hinigop higop ko yung sabaw gamit ang kutsara. at... shet... Ang... S.A.R.A.P.


Hindi ako mahilig sa isda, pero ang sarap nung salmon. wagi. Kakaiba yung lasa nung sabaw. parang ulam sa sarap pag sinabaw mo sa kanin. basta.

Ito naman ang..
CRABLETS
first-time kong makatikin nito sa "Top Grill" sa Makati. Pero parang ang rungis nung texture sa dila (uuy ang arte ko) saka may natitira-tirang shell sa bibig. Kaya medyo hesitant akong kainin to.
But no! Mega dip lang ako sa suka, at boom. shet. Sarap again! Muntik na kaming mapa-order ng beer sa tanghaling tapat.

At ito na.. ang
CRISPY PATA.
Medyo matagal na siyang naka hain, pero hindi nawawala yung lutong niya.
Ang sarap pa nung sarsa niya sa ibabaw. Malutong..tapos malabot. Parang naging chicharon yung balat. Wagi din yung mga talong sa tabi.

Kaya naman.. Belated happy Bday talaga sa akin:)


Sorry, wala akong makwentong inumin kasi nag-tubig lang ako.
Kagagaling ko lang kasi sa sakit, ang feeling ko, hindi dapat ako uminom ng ibang liquid dahil number 1- dehydrated ako. number 2-umiinom ako ng gamot. At number 3- libre ang tubig. wala akong pera. akala ko kasi ako mag magbabayad. hahaha


All in all, naka-P1,480+ lang yata kami. Ewan ko kung mura na yun. apat kaming lumafang

RATE! 1-10 (10-highest)

FOOD - 8 (keri lang ang food. masarap.)

SERVICE - 8 (walang artistahin)
AMBIANCE - 9 (honggondooh!)
PRICE - 7 (mejo nakakabutas ng bulsa)


nakakatuwa nga pala yung waiter. Kasi hindi namin naubos yung ibang ulam. Kasi marami yung servings. Yung Crablets mejo may karamihan pa. So sabi namin ipabalot na lang. Sabi ba naman nung waiter:


Waiter: Hindi niyo po yata nagustuhan yung "crablet." Hindi niyo po kasi naubos.


..Angkonti lang kaya kuya. kaya nga crablet lang?chos.
Hihihi:D


Gora na dun!!

Address: 33 SCOUT TUAZON CORNER DR. LAZCANO STREETS Quezon City

Phone: +63(2)3327275 (Magpa-reserve pag maramihan)

Meron din silang mga function rooms kung bet niyo dun mag meeting-meetingan o mag pa-party, prescon, etc.

Ngayon ko lang din nalaman, may iba ibang rooms pala sa loob na ang soshala talaga! iba iba ang kulay.. may Brown room, may Yellow room, Green, I wonder kung may Ecru, Vermillion, o magenta?

Directions: Along Tomas Morato Ave, you'll see Alfredo's Steak House, just infront of Starbucks (Tomas Morato Branch). That street is Scout Dr. Lazcano (don't confuse it with Scout Lozano). Turn your wheels on the Alfredo's side of street and before you hit the other street which is Scout Tuazon, you'll see the B&W Romulo's Cafe... Na katabi lang ng opisina namin. hahaha.. so pag nakapunta ka na dun, malamang sa alamang e... pwede mo na ako i-doorbell sa kabila. Yun ay kung... andun ako.

Payo: wag kayong magsusuot ng Black and white. or magpapaparty na b&w ang theme. or else... you belong. Baka masanggi sanggi ka ng mga tao. Hindi ka nila makita.


salamat pala http://www.manilareviews.com/ sa mga pictures na chinurba ko lang bigla bigla.

3 comments:

  1. nice naman! Ok kaya tong blog mo ...food review i luveet...sana makakain din ako jan...magdoorbell nalang din ako sa office nyo at sana andun ka...hehe lol sige follow ko na to! Congrats sa blogging career hehe

    ReplyDelete
  2. hahaha.. Karin! Let's enjoy blogging.
    Baka pare pareho lang ma-blog natin about sa travels natin. hahaha
    na-follow na din kita:)

    ReplyDelete
  3. hahaha! Tahhmuuhh! Anyway enjoy nalang natin to...kakatuwa ung blog mo...for sure dami mong fans jan! :)

    ReplyDelete