Friday, August 13, 2010

Metropad

Bongga ng Metro ha!

Sila ang kauna-unahang magazine dito sa Pinas na merong downloadable readable version sa IPAD!


Pang Shala talaga.


Mga concerns ko lang...

- Hindi kaya humina naman ang circulation nila, or ang print sales nila if sa IPAD na lang sila babasahin?

- May bayad ba ang pagdownload sa Metro using IPAD?

- If may bayad, pareho lang ba ng cost nung printed version? (baka mas mura kasi hindi na ipapa-publish. haha. pagka-layout ng mga lola mo, eh wala ng imprenta imprenta, upload upload na lang)

- Paano ang advertising revenue nila dito? E pito lang ata ang may IPAD sa pinas. nasira pa yung sa dalawa kasi beta lang. hahaha



Ang maganda sa Ipad version nito, may mga behind the scenes eklabu ito na higit pa sa pictures ay may mga videos pa. So parang Metro TV ang labas niya. Magazine TV. And yung mga In-mag contest and promos, mas magkakaroon ng creative executions na bagay sa mga apps ng Ipad.
Mas bobonnga ang advertising mileage ng mga advertisers. Yun nga lang.. sino lang ba may Ipad. makabili nga bukas para market na din ako ng Metro. haha


Nga pala mga kapanatag









Ito ang makikita niyo sa cover ng August issue ng Metro.
Sino sa tingin niyo ang pinaka-virgin ang itsu? Sino ang pinaka-kagilagilalas ang kagandahan?
Parang Kristine Hermosa pa rin ako. Taena mga pare, siya na ang walang pores at hindi tumatanda at paganda pa ng paganda. Napupuyat ba yan at naiistress? Anu kayang pinapahid ni Oyoboy sa mukha niya at ang pretty pretty pa rin ng ateh niyo.
Si ate Kim... as usual, pwedeng pag aralan ng mga medtech sa UST bilang skeletal system.
Si Bea, mukhang mother role ng mga hitad sa pichur na itey.
At si mareng Angel "Rubi" P. Ok naman. parang humiwalas lang yung muk ap. Virgin epek din.
...At kaya pala nung makita ko to sa magazine stand sa may 7-11 Tagaytay, nagtataka ako kung bakit meron parang singit sa gilid ni ate Kristine mo. Parang may babae o lalakeng pinutol dahil uglipay siya at wit siya aprub sa cover.
Yun naman pala.. pag binulatlat mo ang buong cover ng issue, eh may mapapala ka pa na mas bongga. Ay, sige. ok. ikaw na. ikaw na ang kalendaryo ng gasolinahan. ANG LAKI.




Oh diba.. akalain mong... nasa pwetan ng magazine nakatiklop at hindi hinahayaang makita ng publiko ang ganda nina Carmen Soo, Erich Gonzales, Maja Salvador, Maricar Reyes, Shaina Magdayao, at si Many More.

Among them, bet ko yung itsura ni Maja dito.. napaka-serene.. akala mo dalisay. Pasok na pasok yan.

Sige tingan mo silang lahat. parang catalogue ng mga bestidang RTW sa SM.
yan din kaya ang metaphor ng karir nila sa ABSCBN.. mga nasa gilid lamang ng apat na bida natin sa harapan... mga sasabit at su-support na lang pag tumanggi yung isa sa role, nasagasaan, nabuntis, o nagkaron ng sex video? Ay sheet.. wag naman sana..

Teka... nasan pala dito si Denise Laurel?? papapirmahin niyo ng exclusive contract tapos ibebenta niyo sa "Midnight Phantom" na biglang susundan ng "Kristine," na nasa primetime pa, tapos wala dito?? Infur.. wala din naman si Cristine Reyes at si ateng Agua Bensita niyong si Andi Eigenman. Kaya keri na.. wag na maghinampo at mag inart.

Balik tayo sa online downloadable version ng METRO... bago ko pala maexperience yun.. bibili muna ako ng Ipad. haha.. ay sige, bibili muna na lang pala ako ng tig iisandaang piso per kopya ng magasin. napaka-long term ng dream na Ipad e..

No comments:

Post a Comment