natawa na lang ako.ok itong Gym Bag. hahaha
nakaka-inspire:)
...slim bag?
Kung anik-anik na events na dinaluhan ng isang gakang AE. -product launching -concert -presscon -media briefing -bikini contest -celebrity endorsement -kasal -binyag -debut -burol -lamay -xmas party -birthday party -bar tour -monthsary -anniversary -kung hei fat choy -lahat nga e. Think of Events... and for sure... i will come...late.
Makipaglandian ulit with kapanatag friends. (Touching my nipples not included.) Maglakad pappuntang Kalibo ng... naka boyleg briefs.
Para ma-try ko naman yung underwater na may helmet na pwedeng magpa-video at pichur pichur. Chipangga kasi yung version ko. Basta makasisid lang at makapagpapicture. Ayoko ng pichur na yan. mukha akong sisiw sa loob ng balot.
Maglakad muli sa kawayan. This time.. Magpapabayad na ako.
Ang bumawi.
Sumakay ulit sa Bangka! at mag emote habang kumakanta ng everynight in my dreams... I see you.. I feel you...
Mag-model model sa balsa. habang kabadong baka tumaob.
Hindi ko naperfect ang split at touch toe ko sa ere... Kailangan kong buhayin ang reputasyon ko. Sayang ang talon na to. Dapat ulitin!! gusto ko pagtalon ko, maaabot ko yung dadaang SEA AIR , SEA AIR FACEBOOK sa ere. haha
Ang bumili ng bayong bayong na pasalubong sa tindahan ng pasalubongan sa tabi ng airport. 3 for P100 ang mga kakanin kaya bongga na. May Free bayong ka pa. YUng suman nila.. maraming flavors, at 20pcs for P100 din. MAy free bayong pa.
Makipagharutan. habang papunta sa hotel naming sa Residencia Boracay. Pero gustong gusto kong ma-try sa MICROTEL INNS and SUITES As in mga pare.
Sana sa susunod na punta ko dito.. hindi na ako hahabulin ng mga gulay dagat na yan. Para pag ahon ko naman hindi na ako si poison ivy o si Shrek.
Gusto ko yatang ulitin to. Dun sa tapat ng nagpo-poy dance naman. hahah
Ayoko na ng mga ganitong picture. Gusto ko dun naman sa may buhangin na may nakalagay "BORACAY 2010" Juice ko ha. Sa konti ng pichurs ko wala pa akong photo op dun. tsk tsk
kailangan pag bumalik ako... hindi na obvious ang skeletal system ko. Baka ibenta kasi tong mga picture sa mga Medtech students at pag aralan nila. Tibia, Fibula, Rib cage, carpals, tarsals, patella, skull, floating ribs. hahaha
Isa lang picture ko sa cave e... sana dalawa man lang. kaya babalik ako.
Ang muling kantahin ang awit ni Katy Perry. (wag sana itong makita ng mga kamag anak ko)

Order na sa http://www.canonmugs.com/ . FREE SHIPPING!
Pag pasok mo, black and white lahat.. at oo. pati mga naka-sabit na pictures b&w.pati table. pati bintana, pati sahig.
para kang pumasok sa black and white na mubi. Itim at puti lang talaga. Kala ko nga pati mukha ng mga waiter b&w din.
yehey na rin. Siya si Ms. Rose at si Ms. Rosebel.
Nilibre nila kami ni Je kasi birthday ko daw nung isang isang isang linggo. Awww.. tats naman ako. first time kong makapasok sa loob ng Romulo's
natupad na isa kong pangarap.
Libre pa. Award. Ang sayang Bday gip.
Kaya salamat sa mga lola mo. Gow!
Ito ang mga in-order namin. I mean... nila.
May isang malaking mangkok yan. Sinalin lang jan.SINIGANG NA SALMON - nakalimutan ko yung presyo. hindi naman ako ang um-order e.
gaya ng mga sosyal sosyalan na napapanood ko sa pelikula, hinigop higop ko yung sabaw gamit ang kutsara. at... shet... Ang... S.A.R.A.P.
Hindi ako mahilig sa isda, pero ang sarap nung salmon. wagi. Kakaiba yung lasa nung sabaw. parang ulam sa sarap pag sinabaw mo sa kanin. basta.
Ito naman ang..
CRABLETSfirst-time kong makatikin nito sa "Top Grill" sa Makati. Pero parang ang rungis nung texture sa dila (uuy ang arte ko) saka may natitira-tirang shell sa bibig. Kaya medyo hesitant akong kainin to.
But no! Mega dip lang ako sa suka, at boom. shet. Sarap again! Muntik na kaming mapa-order ng beer sa tanghaling tapat.
At ito na.. ang
CRISPY PATA.Medyo matagal na siyang naka hain, pero hindi nawawala yung lutong niya.
Ang sarap pa nung sarsa niya sa ibabaw. Malutong..tapos malabot. Parang naging chicharon yung balat. Wagi din yung mga talong sa tabi.
Kaya naman.. Belated happy Bday talaga sa akin:)
Sorry, wala akong makwentong inumin kasi nag-tubig lang ako.
Kagagaling ko lang kasi sa sakit, ang feeling ko, hindi dapat ako uminom ng ibang liquid dahil number 1- dehydrated ako. number 2-umiinom ako ng gamot. At number 3- libre ang tubig. wala akong pera. akala ko kasi ako mag magbabayad. hahaha
All in all, naka-P1,480+ lang yata kami. Ewan ko kung mura na yun. apat kaming lumafang RATE! 1-10 (10-highest)
FOOD - 8 (keri lang ang food. masarap.)
SERVICE - 8 (walang artistahin)
AMBIANCE - 9 (honggondooh!)
PRICE - 7 (mejo nakakabutas ng bulsa)
nakakatuwa nga pala yung waiter. Kasi hindi namin naubos yung ibang ulam. Kasi marami yung servings. Yung Crablets mejo may karamihan pa. So sabi namin ipabalot na lang. Sabi ba naman nung waiter:
Waiter: Hindi niyo po yata nagustuhan yung "crablet." Hindi niyo po kasi naubos.
..Angkonti lang kaya kuya. kaya nga crablet lang?chos.
Hihihi:D
Gora na dun!!
Address: 33 SCOUT TUAZON CORNER DR. LAZCANO STREETS Quezon City
Phone: +63(2)3327275 (Magpa-reserve pag maramihan)
Meron din silang mga function rooms kung bet niyo dun mag meeting-meetingan o mag pa-party, prescon, etc.
Ngayon ko lang din nalaman, may iba ibang rooms pala sa loob na ang soshala talaga! iba iba ang kulay.. may Brown room, may Yellow room, Green, I wonder kung may Ecru, Vermillion, o magenta?
Directions: Along Tomas Morato Ave, you'll see Alfredo's Steak House, just infront of Starbucks (Tomas Morato Branch). That street is Scout Dr. Lazcano (don't confuse it with Scout Lozano). Turn your wheels on the Alfredo's side of street and before you hit the other street which is Scout Tuazon, you'll see the B&W Romulo's Cafe... Na katabi lang ng opisina namin. hahaha.. so pag nakapunta ka na dun, malamang sa alamang e... pwede mo na ako i-doorbell sa kabila. Yun ay kung... andun ako.
Payo: wag kayong magsusuot ng Black and white. or magpapaparty na b&w ang theme. or else... you belong. Baka masanggi sanggi ka ng mga tao. Hindi ka nila makita.
salamat pala http://www.manilareviews.com/ sa mga pictures na chinurba ko lang bigla bigla.
Ang maganda sa Ipad version nito, may mga behind the scenes eklabu ito na higit pa sa pictures ay may mga videos pa. So parang Metro TV ang labas niya. Magazine TV. And yung mga In-mag contest and promos, mas magkakaroon ng creative executions na bagay sa mga apps ng Ipad.
Mas bobonnga ang advertising mileage ng mga advertisers. Yun nga lang.. sino lang ba may Ipad. makabili nga bukas para market na din ako ng Metro. haha

Oh diba.. akalain mong... nasa pwetan ng magazine nakatiklop at hindi hinahayaang makita ng publiko ang ganda nina Carmen Soo, Erich Gonzales, Maja Salvador, Maricar Reyes, Shaina Magdayao, at si Many More.
Among them, bet ko yung itsura ni Maja dito.. napaka-serene.. akala mo dalisay. Pasok na pasok yan.
Sige tingan mo silang lahat. parang catalogue ng mga bestidang RTW sa SM.
yan din kaya ang metaphor ng karir nila sa ABSCBN.. mga nasa gilid lamang ng apat na bida natin sa harapan... mga sasabit at su-support na lang pag tumanggi yung isa sa role, nasagasaan, nabuntis, o nagkaron ng sex video? Ay sheet.. wag naman sana..
Teka... nasan pala dito si Denise Laurel?? papapirmahin niyo ng exclusive contract tapos ibebenta niyo sa "Midnight Phantom" na biglang susundan ng "Kristine," na nasa primetime pa, tapos wala dito?? Infur.. wala din naman si Cristine Reyes at si ateng Agua Bensita niyong si Andi Eigenman. Kaya keri na.. wag na maghinampo at mag inart.
Balik tayo sa online downloadable version ng METRO... bago ko pala maexperience yun.. bibili muna ako ng Ipad. haha.. ay sige, bibili muna na lang pala ako ng tig iisandaang piso per kopya ng magasin. napaka-long term ng dream na Ipad e..
at eto pa, yung sagutan nila ni Henaro-- tatay ni Diet. haha..laftrip talaga!
Henaro: Hindi ka pa rin tumitigil sa pagkukunwari mo. Isa kang taksil!
Rubi: *after gulat facial expression* Naku. *gulat* nahiya naman ako sa inyo Papa. Kayo nga pala ay isang ulirang ama.
Ibang iba ang kwento dun sa Mehikanang Rubi...
kasi ang ending nung sa mehikana... nagkaanak si Rubi, at yung junakis naman niya ang medyo parang kinakitaan ng future sa pagmamaldita.
Nakalimutan ko na din kung sino dito sa picture si Hector at sino si Alejandro.. Pero parang mas promising yung kulay mais yung herr. Yung isa kasi parang pumapasada ng tricycle.
Hindi ko naman masyadong kinwento lahat noh? hahaha.. yaan mo na tapos na naman e. hehe Kung di ka pa nakapanood...at least alam mo na ending.
Mamimiss ko din sa lahat...ay... si Juris... na pumapasok ang hininga kada may madadramang tagpo.
sapul na sapul pa ng lyrics nito yung kwento. at ang target talaga e paiyakin ka.
Dhi lhang..ihhkhaaw.. dhii lhaang ihhkawhh hanghh nhahihiraphan...
Ayhossh bhaaah?
Enjoy!
Sa wakas.. sana makatulog na ako ng maaga. . .
Matapos ang mala-isang oras na drive namin papuntang SMX Convention Center... nakarating na din kami. Nga pala, dahil wala naman akong kapangyarihan ni sailor moon na pwedeng mag-moon crystal power make up! ay pwede nang magpalit ng damit... sa kotse na ako nag change costume. at eto na kami sa CR nagreretats.
at hindi namin ni Pow pinalagpas ang wall. Hawak pa ata namin ang ticket. yey!
habang bored kami sa tagal mag ready get set gow ng rampahan... pichur pichuran muna. Actually si Happy Andrada lang naman talaga ang iniintay namin. at hindi naman niya kami binigo. Benggang bengga nga naman ang jetsetter epek ng kanyang koleksyon. Puro mga kambal ni Amelia Earhart ang napanood ko. wagi.
at matapos ang show... kami naman..